Monday, November 22, 2010

Holy Family Parish

VISION

Sambayanang may matibay na pananalig sa Diyos, nagkakaisa, may paggalang at pagpapahalaga sa pamilya at kalikasan sa pamamynubay ng Banal na mag-anak.

MISSION


Maging simbahan ng Maralita.

BEGINNINGS

Magmula sa panahon ng mga Kastila hanggang sa pagdating ng mga Amerikano, ang bayan ng Quezon ay isa lamang maliit na baryon g Bayan ng Aliaga, Nueva Ecija. Bahagi nito ay gubat na kabulihan at ang mga kalawakan naman ay parang na punong-puno ng cogon. Ang tawag sa baryong ito noong araw ay El Toro dahil ito ay pastulan ng mga baka na pag-aari ng isang nangangalagang Joaquin Samson. Sa pangunguna ng Gobernadorcillo ng Aliaga, ang pangalang El Toro ay pinalitan ng Santo Niño, ang bagong pangalan ng baryo.

Ang mga unang nanirahan ditto ay nagsipanggaling sa lalawigan ng Ilocos tulad ng mga pamilya ng Simplina, Crus, Quitan, Suner, Sajor, Tubay, Nicolas, Capalungan, Duldulao, Lagasca at Ignacio. Sila naman ay sinundan ng mga Tagalog na galing sa mga bayan sa Timog gaya ng mga pamilya ng Joson, Villasan, Samson, Magno, Domingo, Tolentino, Evangelista, Garcia, Da Jose at Quijano. Sa kanilang sipag at pagsusumikap ang kagubatan at kasukalan ay hinawan nila at ginawang lupang sakahin.

Noong ika-15 ng Nobyembre 1915, ilang mga kilalang tao ng Barangay Santo Niño ang nagkaisa at hiniling na ang barangay ay maging isang bayan. Sila ay sina Tomas Joson, Martin Villasan, Jose Crus, Ariston Cebrero, Victor Domingo, Gaudencio Tolentino, Jose Jacinto, Pedro Capalungan, Florentino de Jose at Romualdo Quijano. Noong ding panahong iyon, si Don Isauro Gabaldon ay kinatawan ng lalawigan ng Nueva Ecija sa Batasan Pilipinas. Sa tulong niya ay natupad ang kanilang kahilingan. Kaya noong ika-17 ng Nobyembre taong 1917, ang Barangay Santo Niño ay naging isang munting bayan. Tinawag itong Quezon bilang pagkilala kay Manuel L. Quezon na noon ay Komisyonado ng Pilipinas sa America, na tumutulong din upang ang barangay Santo Niño ay maging isang bayan. Ang unang punong bayan nito ay si Martin Villasan at ang pangalawang punong-bayan ay si Pedro Capalungan.

Noong una, ang Quezon ay dinadalaw ng pari mula sa Aliaga upang tugunan ang kanilang pangangailangan. Ang Quezon ay naging isang parokya noong taong 1929 at nagkaroon ng unang kura paroko sa katauhan ni Padre Emilio Gutierrez. Ang parokya ay ipinailalim sa pagkakandili ng Banal na Mag-anak.

courtesy of The Roman Catholic Diocese of  San Jose, Nueva Ecija

No comments:

Post a Comment